Ipinapakita ang mga post na may etiketa na praktikal. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na praktikal. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Nobyembre 3, 2008

Praktikal

15. Ikaapat, ang Katesismong ito ay isang aklat na dapat gamitin bilang bukal na sanggunian sa mga praktikal na katanungan tungkol sa Pananampalataya. Kaya nga sinisikap nitong iugnay ang Aral-pananampalataya (orthodoxy) sa Katolikong moral na pagkilos at pananaw sa buhay at gayundin sa Katolikong Pagsamba (orthopraxis). Ngunit higit pa sa pagpapaliwanag tungkol sa Pananampalataya, layunin ng katesismong ito na pasiglahin at hikayatin ang mga mambabasa na magkaroon ng tunay at personal na pagtatalaga ng sarili kay Jesu-Kristo, sa loob ng ating sambayanang Katoliko. Inaanyayahan nito at hinahamon ang mga mambabasa: “Halikayo at tingnan niño ito” (Jn 1:39), upang maranasan nila ang buhay ng Pananampalataya, Pag-ibig, at Pag-asa na siyang panawagan ni Jesús sa bawat isang nakikinig sa kanyang tinig (Tingnan Lu 11:28).





Biyernes, Oktubre 31, 2008

Mga Katangian ng Katesismong Ito

10. Sa isinaad na tatlong pangunahing pangangailangan, ang misyon ng Simbahan na ipahayag ang Ebanghelyo ni Kristo, ay nananawagan ngayon para sa isang bagong uri ng katesismo na angkop sa ating panahon. Apat na katangian ang binibigyang-diin ng Katesismong ito.
  • Pagbibigay-diin sa Pinakamahalagang Bagay
  • Batay sa Karanasan/Pilipino
  • Katoliko
  • Praktikal