Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagsamba. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagsamba. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Hulyo 10, 2009

Doktrina, Moral na Pamumuhay at Pagsamba

21. Ang tatlong bahagi ng Doktrina, Moral na Pamumuhay at Pagsamba ay nagpapakilala sa Santatlo—Ama, Anak at Espiritu Santo, samantalang habang nakatuon kay Kristo bilang ating Katotohanan, ating Daan at ating Buhay (Tingnan Jn 14:16). Hinihikayat nito an gating tugong pinag-aalab ng Espiritu ng Pananampalataya, Pag-ibig at Pag-asa, bilang mga kasapi ng Katawan ni Kristo, n gating Katolikong pamayanan, ang Simbahan. At bilang pangwakas, ang tatlong Bahagi’y tumutugon sa tatlong pinakapangunahing tanong ng mga tao: sinasagot ng Doktrina ang “Ano ang maaari kong malaman?”; binibigyang linaw ng mga aral sa pamumuhay ang “Ano ang dapat kong gawin?”, at ipinagbubunyi ng mga Sakramento/Pagsamba ang “Ano kaya ang maaasahan ko?”

Samakatuwid, makikita sa kabuuang balangkas ng KPK ang pagsasama-sama ng tatluhang makatotohanang balangkas ng Pananampalatayang Katoliko: Doktrina (Kredo), Moral na Pamumuhay (Mga Utos) at Pagsamba (Mga Sakramento), at ang kabuuang panloob na balangkas sa lahat ng mananampalataya ng Ulo (paniniwala), mga Kamay (kumikilos/gumagawa), at Puso (dalanging may pagtitiwala).

Huwebes, Nobyembre 6, 2008

Mga Nilalaman

Paunang Salita

Mga Saligan

  1. Sino ang Pilipinong Katoliko
  2. Ang Tawag ng Diyos: Pahayag
  3. Ang Ating Tugon: Sumasampalataya Tayo
  4. Ang Ating Kawalan ng Paniniwala

 

Bahagi 1

Si Kristo, Ang Ating Katotohanan (Doktrina)

  1. Doktrinang Katoliko: Si Cristo, Ang Ating Katotohanan
  2. Diyos, Amang Makapangyarihan
  3. Manlilikha ng Langit at Lupa
  4. Ang Pagkababa sa Kaluwalhatian
  5. Ang Diyos ay Nangako ng Isang Tagapagligtas
  6. Jesu-Kristo; Misyon at Persona
  7. Si Kristo ay Namatay
  8. Si Kristo’y Nabuhay at Muling Babalik

 

Bahagi II

Si Kristo, ang Ating Daan (Moral na Pamumuhay)

  1. Nabubuhay Bilang mga Disipulo ni Cristo
  2. Ang Hamon ng Pagsunod kay Cristo
  3. Ang Kristiyanong Batas
  4. Ibigin ang Panginoong Mong Diyos
  5. Mag-ibigan Kayo
  6. Igalang ang Handog ng Diyos: Ang Buhay
  7. Paggalang sa Kasarian ng Tao
  8. Pagtatatag ng Katarungan
  9. Paggalang sa Katotohanan

 

Bahagi III

Si Kristo, Ang Ating Buhay (Pagsamba)

  1. Ang Espiritu Santo
  2. Ang Simbahang Katolika
  3. Panalangin at Pagsambang Katoliko
  4. Binyag at Cumplí
  5. Ang Eukaristiya
  6. Pagpapagaling ni Cristo: Pakikipagkasundo at Pagpapahid ng Langis
  7. Kasal at mga Banal na Orden
  8. Muling Pagkabuhay ng Katawan at Buhay na Walang-Hanggan

 

  1. Pangwakas na salita:  Ang Panalangin ng Panginoon




Lunes, Nobyembre 3, 2008

Praktikal

15. Ikaapat, ang Katesismong ito ay isang aklat na dapat gamitin bilang bukal na sanggunian sa mga praktikal na katanungan tungkol sa Pananampalataya. Kaya nga sinisikap nitong iugnay ang Aral-pananampalataya (orthodoxy) sa Katolikong moral na pagkilos at pananaw sa buhay at gayundin sa Katolikong Pagsamba (orthopraxis). Ngunit higit pa sa pagpapaliwanag tungkol sa Pananampalataya, layunin ng katesismong ito na pasiglahin at hikayatin ang mga mambabasa na magkaroon ng tunay at personal na pagtatalaga ng sarili kay Jesu-Kristo, sa loob ng ating sambayanang Katoliko. Inaanyayahan nito at hinahamon ang mga mambabasa: “Halikayo at tingnan niño ito” (Jn 1:39), upang maranasan nila ang buhay ng Pananampalataya, Pag-ibig, at Pag-asa na siyang panawagan ni Jesús sa bawat isang nakikinig sa kanyang tinig (Tingnan Lu 11:28).