Ang pananampalatayang ito ay inilalahad sa CCC. Binibigkas ng mga Pilipinong Katoliko ang Pananampalatayang ito sa Kredo o “Pagpapahayag ng Pananampalataya” sa Misa sa araw ng Linggo. Isinasabuhay nila nang lantaran ang pananagutang it okay Kristo sa pagsunod nila sa mg autos, sa paglilingkod nila bilang mga Kristiyano. At ipinagdiriwang nila ito sa sacramental na pagsamba ng mga Katoliko. Kaya, araw-araw nilang ipinahahayag ang pinakadakila sa mga asal-Kristiyano—ang Pananampalataya, ang Pag-asa at ang Pag-ibig.
12. Ang mga pinakamahalagang nilalaman ng Pananampalatayang it okay Kristo ay dapat maipahayag sa isang paraang may pagkakaugnay at kaayusan, na kapwa nakatukoy at kaakit-akit (Tingnan PCP II, 163; CCC, 5). Kinapapalooban ito ng isang pamamaraang magkaugnay na binubuo ng unang saligang nauukol sa pamamaraan ng ating katekesis (NCDP, 75, 414-25). Ang Pananampalatayang Katoliko ay isang buhay at magkakaugnay na kabuuan, kapwa sa tunay na nilalaman nito—Doktrina, Asal-Pamumuhay at Pagsamba, at sa bawat nasasakupan sa bawat mananampalataya. Ang tumutugon sa personal na paanyaya ni Kristo sa pagkaalagad ay sumampalataya, kumilos at sumamba taglay ang lahat ng lakas ng pag-iisip, kalooban at puso, sa sambayanan ni Kristo, ang Simbahan.




































Walang komento:
Mag-post ng isang Komento