16. Ang KPK ay sadyang itinuon para sa mga nasa aktibong pagpapahayag o pag-aaral ng Pananampalataya: mga pari, relihiyoso o relihiyosa, katekista, guro sa relihiyon – at higit nawa para sa lahat, ang mga magulang. Ito ay isang katesismo para sa nakatatanda sa dahilang ito ay inilaan upang maging aklat-sanggunian para sa mga nagsasalita sa mga dumadalo sa Misa sa Linggo sa isang karaniwang parokyang Filipino. Kung gayon, hindi ito isang aklat na pangrelihiyon para sa parokya o paaralan. Ito ay inilalaan upang maging madaliang-sanggunian para sa pamparokyang katekesis, at para sa paggawa ng mga aklat na pangrelihiyon na angkop sa mababa at mataas na paaralan o sa kolehiyo.
Ang katesismong ito ay nagkakaloob sa mga Pilipinong Katoliko ng tamang pagpapaliwanag sa pamamagitan ng pagbibigay ng “dahilan para umasa” na ipinagkakaloob sa kanila ng Pananampalataya (1 Ped 3:15). Hinihikayat nito ang mga mambabasa na “matatag na manghawak sa tunay na aral upang ito’y maituro sa iba at maipakikilala ang kamalian ng mga sumasalungat dito” (Tito 1:9).




































Walang komento:
Mag-post ng isang Komento