34. Una, tayong mga Pilipino ay mapagpahalaga sa pamilya. Mahalaga para sa atin ang ugnayang anak at magulang. Ang ama, ina at anak ay mahalaga sa ating kultura at damdamin sapagkat tayong mga Pilipino ay nagpapahalaga sa kaugnayan natin hindi lamang sa ating sariling pamilya kundi pati na rin sa mga pamilyang “karugtong” nito (mga ninong ninang at iba pa). Ang pagsesentrong ito sa pamilya ang nagdudulot sa atin ng damdaming tayo ay kabilang, matatag at ligtas. Para sa ating mga Pilipino, ang likas na pinanggagalingan ng ating sariling-pagkakakilanlan ay ang ating mga pamilya.
35. Si Jesus, bilang Anak ng Diyos (Son of God) at Anak ng Tao (Son of Man), ay naglalapit ng kanyang sarili sa ating mga Pilipino na makapamilya o nakasentro sa pamilya. Bilang Anak ng Tao, inihahatid tayo ni Jesus sa kanyang Inang si Maria (Ina ng Diyos) na kanyang ibinahagi sa atin (Tingnan Jn
36. Ano pa ba ang higit na makapagpapaalaala sa atin n gating kamusmusan o higit na makatutugon sa likas na pagkagiliw natin sa mga bata kundi si jesus na Sto. Niňo? Sa gulang na labindalawa, si Jesus ay isa nang marunong at mapagsapalarang bata ngunit nanatili siyang masunurin sa kanyang mga magulang ( Tingnan Lu





































Walang komento:
Mag-post ng isang Komento